Ano ang gagawin mo kung bigla na lang mamatay ang laptop mo sa kalagitnaan ng online exam?
Ganyan ang nangyari sa isang estudyante sa University of Georgia.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa isang post sa application na X, ibinahagi ng 20-year-old Economics student na si Sam Lee ang kakaibang experience niya habang nagsasagot ng exam.
Aniya, kumakain daw siya ng tinapay na may palamang meatballs habang nakaharap sa kanyang laptop nang biglang may mahulog na meatball sa keyboard nito at awtomatikong naisubmit ang kanyang exam kahit na hindi pa siya tapos magsagot.
Mas inalala pa raw niya na baka masira ang kanyang laptop ngunit nagsimula ring kabahan dahil hindi na niya makita ang exam sa screen at sinubukan pang i-reterieve ito ngunit wala na siyang nagawa.
Nagdesisyon si sam na gumawa ng email para sa kanyang professor pagkalipas ng anim na oras na pag-iisip ng paraan at ipinadala iyon kinagabihan.
Ipinaliwanag niya sa email ang nangyari at nag-attach din ng pictures bilang proweba.
Lumabas din na 39% lang ang nakuha niya sa exam at kung kaya naman humingi siya ng tyansa na mag-retake nito at sinabing nag-aaral siya nang mabuti para sa subject.
Kinabukasan ay nakatanggap si sam ng reply mula sa professor at binigyan ng extension hanggang madaling araw para tapusin ang nasabing exam.
Pabiro pang rekomendasyon ng professor na sagutan niya ang test bago o pagkatapos niyang maghapunan.
Sa kaparehong araw na iyon ay muli siyang nag-take ng exam at nakakuha na ng mataas na grado.
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang post ni sam na hindi niya inaasahang mag-va-viral. Ang iba ay humanga sa kabaitan ng propesor habang may pumuna rin sa pagkain niya habang nag-eexam.
Ikaw, anong masasabi mo sa kakaibang rason na ito kung bakit bumagsak ang estudyante sa exam?