Hindi inakala ng isang babae na ang ginagawa nitong pakikipaghiwalay sa pulis na karelasyon ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan at nadamay ang isa pa nitong kasamang babae matapos silang pagbabarilin ng kaniyang boyfriend sa Bislig, Surigao Del Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Janeth Besa, 25-anyos at Karyl Mae Abanggan, 21-anyos
Nadakip naman ng kanyang mga kabaro ang suspek si Police Master Sergeant Kenneth Cacho, kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Davao Oriental Provincial Police Office.
Ayon sa Bislig City Police Office, nakipaghiwalay si Besa kay Cacho dahil sa mayroon umano itong asawa hanggang sa nagkrus ang kanilang landas sa nasabing lugar.
Habang kumakain ang mga biktima nilapitan sila ng suspek at kinausap ng huli si besa na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril si Cacho at pinagbabaril ang dalawa.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen at posibleng maharap sa patong-patong na kasong kriminal ang suspek.