Patay ang isang ina matapos paluin sa ulo ng sariling anak sa Albay.
Ayon sa Albay Police, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina at nang hindi na nga nakapagtimpi ang anak nitong babae ay hinampas niya ng dos por dos sa ulo ang kaniyang ina.
Isinugod sa ospital ang biktima pero huli na ang lahat at idineklara itong dead on arrival.
Agad namang sumuko ang 30-anyos na suspek sa mga otoridad at inaasahang mahaharap siya sa kasong parricide.—sa panulat ni Mara Valle