Kritikal ang isang babae habang dalawa iba pa ang sugatan sa karambola ng limang sasakyan sa Pasay City, kahapon.
Dakong alas 3:00ng hapon nang maganap ang karambola sa kanto ng Arnaiz Avenue at Leveriza Street.
Ayon kay SPO3 Marilou Intia, imbestigador ng Pasay Traffic, paikot sa u-turn slot ang isang Isuzu pick-up na minamaneho ni Rolen Rivera, 25 anyos nang tamaan ang isa pang sasakyan.
Matapos nito ay tinamaan naman ang nakaparadang motorsiklo maging ang nakatayong babae na nasagasaan pa habang naararo rin ang isang kotse at SUV na naitulak papasok sa isang bangko.
Nasa kustodiya na ng Pasay Traffic at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property with multiple physical injuries ang driver ng pick-up na aminadong naapakan ang silinyador sa halip na ang preno.