Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na negosyante habang nakikipag-away sa isang customer dahil sa utang sa Mauban, Quezon.
Ayon sa pulisya, pumasok ang biktimang si Michelle Rajarillo sa bahay ng suspek na si alyas Arlene, 45-anyos, kasama ang live-in partner, upang pag-usapan ang kanyang pagbabayad ng utang.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas ng bahay ang biktima na may tama ng saksak sa dibdib.
Tumakas ang suspek at dinala si Rajarillo sa ospital kung saan idineklara itong patay dahil sa mga natamong pinsala.
Nagsasagawa ng manhunt ang pulisya laban kay arlene na nahaharap sa kasong homicide.