Isang babae ang patay matapos tumalon mula sa ika-apat na palapag ng SM City North EDSA-Annex Mall sa Quezon City.
Kinilala ang biktimang si Girlie Mercado, 47 anyos na napag-alamang buntis.
Ayon kay Quezon City Police District Director, Chief. Supt. Guillermo Eleazar, kasama ni Mercado sa mall ang asawa at anak nito nang magpatiwakal, pasado alas 12:00 ng tanghali kahapon.
Naisugod pa ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit hindi na umabot ng buhay pasado ala 1:00 ng hapon.
Inaalam na ang motibo sa likod ng pagpapakamatay ni Mercado habang nakikipag-tulungan na sa mga otoridad ang pamunuan ng mall.
Ito na ang ikalawang beses na may namatay sa mall ngayon lamang Abril.