Hindi makapaniwala ang isang babae sa nalaman niya tungkol sa kanyang karelasyon nang mahigit apat na taon.
Alam ng babae na “mama’s boy” ang kanyang 24-anyos na boyfriend. Ngunit labis ang kanyang pagkagulat nang makitang pinapa-breastfeed pa ito ng kanyang ina!
Ayon sa kwento ng babae sa isang programa sa radyo, ipinagdiwang nila ang engagement nila ng kanyang boyfriend—na ngayon ay fiancé na—sa bahay nito.
Matapos kumain, nagpunta saglit ang babae sa banyo upang ayusin ang sarili, subalit paglabas niya ay hindi na niya nakita ang kanyang kasintahan.
Hinanap niya ang lalaki, hanggang sa matagpuan niya ito sa guest room kasama ang kanyang ina. Ngunit hindi niya kinaya ang eksenang tumambad sa harapan niya dahil nakita niya ang fiancé niya na nakahiga sa hita ng nanay nito habang sumususo!
Nagulat din ang mag-ina nang mahuli sila sa akto.
Paliwanag ng lalaki, normal lamang daw iyon sa kanilang mag-ina. Ginagawa umano nila ito upang kumalma siya.
Bukod pa rito, ibinahagi ng babae na magkatabi pa rin matulog sa kama ang mag-ina, at madalas nila itong pinagtatalunan ng kanyang boyfriend. Minsan daw ay sinusungitan din siya ng ina ng lalaki.
Simula nang mahuli ang mag-ina, tatlong buwan nang hindi nag-uusap ang magkasintahan.
Sa ngayon, hindi pa alam ng babae kung itutuloy niya ang pakikipagrelasyon sa lalaki na malapit na sana niyang pakasalan.
Sa psychoanalytic theory, tumutukoy ang Oedipus complex sa pagnanais ng isang anak na magkaroon ng sekswal na ugnayan sa kanyang magulang, partikular na ang isang lalaki sa kanyang ina. Nauuwi ito sa rivalry sa pagitan ng anak na lalaki at ng kanyang ama.
Payo naman ng ilang netizen sa babae, hiwalayan na ang kanyang fiancé dahil hindi normal ang “kahalayang” ginagawa nila ng kanyang ina.