Nakaranas ng aberya sa biyahe ng LRT Line 1 (LRT-1) bago mag alas-7 kaninang umaga.
Ayon sa pamunuan ng LRT-1, itinigil ang biyahe ng mga tren mula Baclaran hanggang Roosevelt matapos mahulog ang isang babae sa riles ng tren mula sa platform nang mahilo ito sa Doroteo Jose Station.
Ayon kay Jacqueline Gorospe, head of communications ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), kaagad isinugod sa ospital ang biktima, samantalang eksakto alas-7:09 ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe ng mga tren ng LRT-1.
Kailangan aniyang itigil muna ang operasyon para ma-secure ang area at matiyak ang kaligtsan ng mga pasahero.
ADVISORY: ⚠️ A stop for safety has been put in place from Baclaran to Roosevelt. Technician is already on board working the fault of affected train located at Doroteo Jose Station. Please allow additional travel time of about 15 minutes ⚠️
— LRT-1 (@officialLRT1) January 14, 2020
Dahil ditto, pinapayuhan ang mga pasahero na magdagdag ng oras sa biyahe para hindi na makadagdag abala sa aberya ang build-up ng mga pasahero.