Patay matapos mahulog sa tricycle ang bagong silang na sanggol sa Malabon.
Ayon sa mga otoridad, sakay ng tricycle ang ina ng sanggol na dadalhin sana sa ospital.
Pero hindi namalayan ng driver na nanganak na pala ang ginang kaya tuloy-tuloy lang ang takbo nito.
Nabatid na butas pala ang kumot na pangsalo sa sanggol maging ang sahig ng traysikel.
Nagkagulo naman ang mga tao dahil may pusod pa nang makita ang sanggol sa ibabaw ng Tinajeros Bridge.
Samantala, nasa maayos nang kalagayan ang ina ng baby habang patuloy ang imbestigasyon kung ang pagkahulog ng sanggol ang sanhi ng pagkamatay nito.