Natagpuang patay ang isang babae sa tabing ilog ng Lorraine St. Parkway village, brgy. Apolonio samson sa Quezon City.
Ayon kay Samuel Balatong, nangangalakal siya ng basura sa nasabing lugar alas-3 ng madaling araw nang makita niya ang nasabing bangkay sa tabing ilog.
Agad na humingi ng tulong si Balatong sa barangay pero hindi pa umano matukoy kung taga-saan ang biktima dahil walang nakakakilala rito.
Sa pahayag ng mga otoridad, posibleng inanod umano ang bangkay mula sa ibang lugar.
Patuloy pang iniimbestigahan ng Quezon City Police Station 1 kung ano ang nangyari sa biktima.