Natagpuang patay at hubo’t hubad sa loob ng kanyang inuupahang bahay ang isang 18-anyos na babae sa Baguio City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-alala ang kaibigan ng biktima matapos na hindi sumagot ang biktima sa mga text message at tawag.
Kaya naman pumunta ang kaibigan sa kaniyang bahay para i-check ito ngunit sinalubong siya ng kalunos-lunos na eksena.
Natagpuan niya itong hubo’t hubad at may mga saksak sa leeg.
Nawawala sa pinangyarihan ng krimen ang cellphone at iba pang gamit ng biktima.
Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa barangay para suriin ang mga kuha ng CCTV sa lugar para sa pagkakakilanlan ng salarin.
Tinitingnan ng mga awtoridad ang panggagahasa, pagnanakaw, o posibleng kaugnayan sa trabaho o personal na buhay ng biktima ang motibo sa pagpatay.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Baguio City Police sa Cybercrime Unit sa imbestigasyon.