Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng kanyang kinakasama dahil sa selos sa isang hotel sa Manila.
Kinilala ang biktima na si Joy Gemino habang nadakip ang suspek na si Ronald Campos.
Ayon sa mga otoridad, nakita ng mga hotel staff na mainiit na nagtatalo ang dalawa dahil sa pagseselos ng lalaki. Sa gitna ng pagtatalo, niyakap muna ng lalaki ang biktima bago magkakasunod na pinaputukan ng baril.
Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .9mm baril na may isa pang bala.
Nakakulong na at nahaharap sa kasong murder ang suspek. – sa panulat ni Kim Gomez