Dead on the spot ang isang babae matapos mabangga ng van sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Kinilala ng Mandaluyong City Police ang biktimang si Emelour Aquino, 21 anyos.
Ayon sa pulisya, naglalakad sa kalsada si Aquino kasama ang dalawang kaibigan nang mahagip ito ng van at tumilapon pa ng ilang metro.
Naaresto ang 21 anyos na driver ng van at na-inquest at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Pursigido naman ang pamilya Aquino na ituloy ang kaso laban sa suspek.