Patay ang isang babae matapos masagsaan at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways o PNR sa Perlita St., San Andres, Maynila.
Ang biktima ay halos hindi na makilala dahil sa matinding pinsala matapos tumilapon ng 15 hanggang 20 metro.
Nakasuot ng kulay gray na t-shirt at dilaw na short pants ang biktima na ayon sa mga awtoridad ay 16-taong gulang pataas.
Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa barangay na nakakasakop sa pinangyarihan ng insidente para makapangalap ng dagdag impormasyon para sa pagkakakilanlan ng biktima bukod pa sa hawak na CCTV footage.
Sinasabing ilang ulit tinawag ang pansin ng babae subalit tila wala ito sa katinuan.
—-