Isang babae ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog sa residential area sa Brgy. 823, Paco, Manila.
Nagsimula ang sunog alas-4:33 ng madaling araw na inabot ng ika-apat na alarma at idineklarang fire under control ng alas-7:28 ng umaga.
Kinilala ng Manila Fire Department ang nasawing biktima na si Loida Reyes Decayman, 54-anyos na na-trap sa nasusunog nitong bahay sa may Gomez Street.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa pagputok ng rice cooker na nakalimutan ng biktima.
Nabatid na dikit-dikit ang mga bahay kaya’t mahigit 50 sa mga ito ang tinupok ng apoy habang 100 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Bukod sa nasawi, wala naman naitalang nasugatan sa insidente kung saan tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng mga ari-arian na natupok ng apoy. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)
Isang babae ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog sa residential area sa Brgy. 823, Paco, Manila. | via @ayayupangco1 pic.twitter.com/q6JiaTAjzn
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 16, 2020