Isang babae ang nasawi sa sunog sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection ang biktimang si Evelynn Gillo Chiong, 54 anyos, residente ng Multinational Village.
Ayon sa BFP, umabot sa unang alarma ang sunog at tanging ang bahay ng biktima ang naabo.
Mahigit kalahating oras ang inabot bago tuluyang naapula ang sunog dakong hatinggabi kahapon.
Tinatayang P200K ang halaga ng mga napinsala o natupok na ari-arian habang inaalam na kung ano ang sanhi ng pagkalat ng apoy.