Isang babae ang patay matapos pagsasaksakin ng live-in partner nito sa Binondo, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Aileen Risarosa, 28-anyos habang nagpatiwakal ang suspek na si Christian Jorel Burgos, 35-anyos.
Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, tadtad ng saksak ang katawan ni Risarosa nang matagpuan sa kanilang bahay sa Old Matadero Street.
Batay sa imbestigasyon, matapos mag-inuman ang dalawa ay natulog na katabi ang kanilang mga anak, subalit nang magising si Burgos ay inundayan nito ng saksak ang live-in partner.
Matapos naman nito ay uminom ng silver cleaner ang suspek na naging dahilan din ng kanyang kamatayan.
Selos ang motibo sa pamamaslang dahil sa hinala ni Burgos na may ibang karelasyon ang biktima.