Dead on the spot ang isang babae matapos madaganan ng malaking tipak na bato na nagmula sa quarry operation sa bahagi ng bundok sa Sitio Pansol, Brgy. Sokol sa Atimonan, Quezon.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na alyas Mary, 37- anyos
Ayon sa pulisya, nakahiga sa duyan ang biktima na may layong 3-metro sa ginagawang kalye habang ino-operate naman ng kanyang live-in partner na si alyas Norberto, ang isang backhoe, sa pamamagitan ng cellphone ay tumawag umano si Norberto sa helper na si alyas Yael upang siguruhing walang tao sa ibaba ng bundok kung kaya’t sinabihan ng huli si Mary na umalis sa duyan.
Ipinagkabikit balikat lamang umano ni mary ang babala hanggang sa gumulong pababa ang malaking bato mula sa bahagi ng bundok at nagulungan ang duyan na kinahihigaan ng biktima.
Mabilis na isinugod sa ospital sa ospital ang biktima subalit dahil sa malalang pinsala, gayunman, hndi na naisalba pa ng mga manggagamot ang buhay nito.
Pinag-aaralan ng mga otoridad na sampahan ng reklamo ang contractor ng ginagawang kalye dahil walang mga safety equipments sa kanilang ginagawang konstruksyon.