Isang babae sa Tennessee sa Amerika ang nagkaroon ng kakaibang paraan para mabawasan ang kaniyang kalungkutan sa pagkawala ng kaniyang asawa, at ito ay ang pagkain sa abo ng yumao niyang mister!
Paano kaya ito humantong sa kakaibang adiksyon? Tara alamin natin.
Kung akala n’yo walang forever, nagkakamali kayo dahil may forever.
Para sa isang babae sa Tennessee sa U.S. love has no boundaries. Ngunit isang araw, nagkaroon ito ng nakakabahalang habit.
Nagsimula ang kakaibang habit ni Cassie ng pumanaw ang kaniyang asawa sa severe asthma attack.
At para maibsan ang kaniyang pangungulila, sinasama nito ang urn ng asawa kahit saan siya magpunta, hanggang sa umabot pa sa punto na kinakain na niya ang abo ng kaniyang mister araw-araw.
Ayon kay Cassie, nagsimula ang kakaibang addiction niya noong nililipat niya ang abo ng asawa sa isang lalagyan ng hindi inaasahang matapon ito sa kaniyang mga daliri.
Sa tindi ng pagmamahal nito sa asawa, ayaw nitong masayang ang abo kaya dinilaan niya ito hanggang sa hindi na niya kayang tumigil pa.
Nabawasan din aniya siya ng 19 kilos sa loob ng dalawang buwan dahil ang kinakain niya ay abo lamang ng kanyang asawa.
Bagama’t hindi siya fan ng lasa ng abo, ang pagkain nito ay nagbibigay sa kanya ng kaligayahan at adrenaline rush.
Ikaw? Kaya mo bang maging loyal sa iyong asawa kahit na wala na ito sa mundo?