Sa probinsya ng Cagayan de Oro, isang magkasintahan ang sinalubong ang Pasko nang may alitan at krimen.
Ang buong kwento, alamin.
Noong bisperas ng kapaskuhan, sa halip na magkasiyahan at mapayapang ipagdiwang ang pinakahihintay na okasyon ng bawat Pilipino taun-taon, ay nauwi pa sa isang madugo at masalimuot na krimen sa pagitan ng magkasintahan sa Cagayan de Oro City.
Ito ay dahil tumanggi ang trentay siyete anyos na babae na bigyan ng pera pambili ng alak ang kaniyang kinakasama.
Ang simpleng pagtanggi na ito ay nauwi sa pagtatalo nila ng kaniyang nobyo, dahilan para doon na nangyari ang malagim na pananaksak ng lalaki sa kaniyang nobya.
Ayon sa ulat, tumakas ang lalaki matapos isagawa ang krimen at ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad.
Samu’t sari naman ang mga naging komento ng mga netizen at mayroon pang nagsabi na huwag nang piliting uminom ng alak kung wala namang pambili, at kung talagang gustong mag-inom ay magtrabaho para magkaroon ng panggastos.
Samantala, posible namang kaharapin ng lalaki ang kasong Violence Against Women and Children’s Act.
Ikaw, anong masasabi malagim na insidente na ito?