Isang babae mula sa Davao Del Norte ang nagsunog ng sarili makaraang magselos sa isa pang babae na nagme-message at tumatawag umano sa kanyang asawa sa Facebook.
Ayon sa nakakita, namataan niya ang babaeng kinilalang si Marie na nagliliyab ang buhok sa isang palengke kaya agad itong binuhusan ng tubig.
Nang maapula ang apoy ay muli nitong sinunog ang sarili dahilan ng pagkakasunog ng kaniyang mukha.
Sa pahayag ni Dr. Mark Joseph Del Fierro, Chief of the Surgery department, nasunog ang lalamunan ni marie matapos langhapin ang apoy.
Ayon kay Marie, posibleng may relasyon ang kaniyang asawa sa babaeng palagi nitong nakakausap at nakakasama.
Sa ngayon, nananawagan ang ina ng biktima na sana ay matulungan sila sa gastusin para sa paggaling ni Marie. – sa panulat ni Angelica Doctolero