Pasok ang mga kababaihang bahagi ng “Hashtag Babae Ako sa” sa listahan ng “ 25 most influential people on the internet ng Time.
Ang listahan ay batay sa global impact sa ibat ibang personalidad sa social media.
Ang “hashtag Babae Ako” ay umusbong bilang pamumuna sa sexism ng administrasyong Duterte.
Hindi kasi nagustuhan ng mga ang rape jokes, sexist na komento at paghalik ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa South Korea.
Ayon sa mamahayag at co-founder ng hashtag Babae Ako, bawat misogynistic statement ng Pangulo ay mistula aniyang sinasabi nito na maaari siyang gayahin ng sinuman at silay nakalulusot.