Dinukot at tinortyur umano ng hindi kilalang mga salarin ang anak na babae ng Ambasador ng Afghanistan sa Pakistan.
Ayon sa mga awtoridad, si Silsila Alikhil na anak ni Ambassador Najib Alikhil ay kinidnap sa Islamabad at sinaktan ngunit masuwerteng nakauwi ito nang ligtas o buhay.
Nagpahayag naman ng pagkabahala ang foreign ministry ng Afghanistan sa seguridad at kaligtasan ng iba pang diplomats, staff members, at pamilya ng mga ito sa pakistan.
Samantala, plano rin umano ng Afghan government na mag sampa ng pormal na reklamo ukol sa nasabing insidente.