Sumugod sa Department of Justice ang isang babae na umano’y binayaran ng kampo ni Senador Antonio Trillanes IV upang tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng DDS o Davao Death Squad.
Kasama ni Atty. Bruce Rivera sa tanggapan ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre si Guillermina Arcilla kung saan kanyang inilahad sa kalihim ang kanyang sitwasyon sa ngayon at ang plano nitong paghahain ng reklamo laban kay Trillanes at sa iba pang taga-oposisyon.
Nabatid na tinanggihan ni Arcilla ang alok ni Aguirre na mapasailalim siya sa Witness Protection Program ng DOJ.
Si Arcilla ay sinasabing kasamahan nina Edgar Matobato at retired SPO3 Arthur Lascañas na umano’y inalok ng grupo ni Trillanes para idiin si Pangulong Duterte sa isyu ng DDS.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo