Pinag aaralan na ng kampo ng babaeng Chinese na nagtapon ng taho sa isang pulis sa MRT 3 Boni Station ang pagsasampa ng kaso laban sa Bureau of Immigration.
Ito ayon kay Oscar Bautista Saplato ng Calasiao, Pangasinan at foster parent ni Jiale Zhang, ang napag usapan nila ng kanilang abogado matapos makapag piyansa ang Chinese national.
Sinabi ni Saplato na hindi tama ang sapilitang pag dampot sa kaniyang anak anakan at kaagad dinala sa immigration jail.
Umapela rin muli sa publiko si Saplato na huwag husgahan ang kaniyang anak anakan at bigyan ng ikalawang pagkakataon.
Si Zhang ay una nang kinasuhan ng direct assault at disobedience to an agent of a person in authority at unjust vexation matapos sabuyan ng taho si PO1 William Cristobal na sumita sa kaniya sa pagdadala ng pagkain sa MRT station.
Inirekomenda na ng B.I ang paghahain ng deportation case laban kay Zhang.