Gustong magpakasal pero walang nagpopropose? Hindi problema iyan sa 24-anyos na babae sa India na pinakasalan na lang ang sarili.
Bakit nga ba pinakasalan ng babaeng ito ang kanyang sarili?
Tara, alamin natin yan.
Ayon kay Kshama Bindu, pagod na raw siyang maghintay at maghanap ng karelasyon kaya pinili na lamang niyang pakasalan ang sarili.
Naniniwala kasi siya sa kasabihang “love yourself,” kahit pa nagdulot ito ng kontrobersiya sa kanilang lugar.
Bagama’t hindi natuloy ang kaniyang kasal sa nakatakdang araw dahil umurong ang pari at kinansela ng templo ang kaniyang booking ay itinuloy niya pa rin ang kasal sa kaniyang bahay.
Aniya, wala naman daw itong pinagkaiba sa ibang Hindu wedding dahil ginawa niya ang lahat ng tradisyon. Makikita naman na hinalikan ni Kshama ang kanyang sarili gamit ang isang salamin.
Sa huli, napag-alaman na isang bisexual si Kshama, at pinaniniwalaan na kauna-unahang “sologamist” sa India.
Nais din daw ni Kshama na magbigay mensahe na ang tunay na pagibig ay nasa sarili lamang.