Nagpakasal sa manika ang isang babae sa Brazil dahil matagal na itong walang karelasyon.
Kinilala ang babae na si Meirivone Rocha Moraes.
Umabot na nga sa puntong sisihin ng babae ang kanyang ina dahil hanggang sa ngayon ay wala pa ring nanliligaw sa kanya.
To the rescue naman ang nanay nito at ginawan siya ng life-sized na manika o ragdoll na pinangalanang “Marcelo”.
Na-love at first sight pa raw si Moraes sa manikang si Marcelo at pinakasalan ito. Nagkaroon ng bonggang kasalan ang dalawa at dinaluhan ng 250 na bisita.
“‘He is a man I always wanted in my life. Married life with him is wonderful. He doesn’t fight with me, he doesn’t argue and he just understands me,” ang pahayag ni Moraes.
“Marcelo is a great and faithful husband. He is such a man and all women envy him.” dagdag na pahayag ng babae.
Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang maliit na manika na pinangalanan namang “Marcelinho”.