Nang dahil sa libo-libong halaga ng utang, nagtapos ang buhay at mga pangarap ng isang dalagita nang ma-track down ito ng kaniyang pinagkakautangan.
Ang buong kwento, eto.
Pumanaw kamakailan lang matapos paulanan ng saksak ang 22-anyos na influencer mula sa Tama City, Japan na si Sato Airi habang nagla-livestream ito sa Shinjuku District.
Ang salarin, ang 42-anyos na si Takano Kenichi na nakilala ng biktima noong 2021.
Pero ano nga ba ang nagtulak kay Takano para gawin ito sa dalaga? Ayon sa mga otoridad, sinabi ni takano na malaki ang pagkakautang ni Sato sa kaniya.
Makailang beses daw na humiram ng pera ang babae sa salarin at palaki raw nang palaki ang inuutang nito habang tumatagal.
Pinahiram daw ni Takano ang streamer ng 2 million Yen o nagkakahalagang 770,000 pesos para sa kaniyang personal needs at bayarin sa kaniyang cellphone.
Naghain na raw ng reklamo si Takano laban kay Sato pero ni minsan ay hindi raw siya nakatanggap ng bayad mula rito. Sa katunayan, nanguntang lang din pala si Takano para mayroon siyang maipahiram na pera sa dalaga.
Bukod pa riyan, pakiramdam din daw niya ay na-manipulate siya ng babae dahil sa mga pagdadahilan nito para lang makautang.
Sa pamamagitan ng pagla-livestream ni Sato, natagpuan siya ni Takano at doon na nga isinagawa ang malagim na krimen na tumapos sa buhay ng dalaga.
Nahulicam sa isang CCTV footage kung paano pinagsasaksak ni Takano si Sato sa kaniyang ulo, leeg, at tiyan gamit ang isang survival knife. Pati na rin ang 6,000 viewers ni Sato, nasaksihan din ang pagkamatay niya at ang ilan pa ay tumawag ng tulong sa live chat.
Samantala, naaresto naman si Takano sa pinangyarihan ng insidente kung saan na-rekober ng mga pulis ang isang kustilyo na pinaniniwalaang ginagmit ng salarin para wakasan ang buhay ng babae.
Ikaw, magbabayad ka na rin ba ng utang matapos marinig ang kwento na ito?