Nasawi matapos makuryente sa isang poste ang isang babae na kukuha sana ng module para sa kaniyang anak sa Barang Duran, Dumalag, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Jocelyn Liza, 40-anyos na agad dinala sa ospital ng mga residenteng nakakita pero idineklara itong dead on arrival ng doktor matapos magtamo ng paso at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay inayos ng Capiz Electric Cooperative ang kanilang linya na naputol sa nasabing lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero