Arestado ang isang babae makaraang makuha rito ang mahigit 900 piraso ng Ecstacy na nagkakahalaga ng isa’t kalahating Milyong Piso.
Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region ang suspek na si Monica Santos, 20 anyos.
Ayon kay PDEA-NCR Director Ismael Fajardo, Abril 5 nang dumating ang package ni Santos sa Central Mail Exchange sa Pasay City.
Natuklasang may lamang organic substance ang naturang bagahe nang idaan ito sa x-ray kung saan, isinailalim pa ito sa pagsusuri ng bomb sniffing dogs at duon nakumpirma na droga ang laman ng bagahe.
Nadiskubre rin ng mga awtoridad na nagmula pa sa isang Samson Santos na taga-Netherlands ang naturang package at ipinadala kay Santos na taga – Barangay Obrero sa Quezon City kung saan naman siya naaresto.