Handang dumalo sa hearing sa December 27 ang babaeng nag viral sa social networking site matapos manampal ng matandang taxi driver.
Ayon ito sa LTO Land Transportation Office matapos makausap si Cherish Sharmaine Interior.
Nagtungo ang LTO officials sa bahay ni Interior bitbit ang show cause order para sa nasabing pagdinig.
Ito ay matapos makuha ng lto ang affidavit ng taxi driver na si Virghilio Doctor mula sa LTFRB.
Una nang nagsampa si Doctor ng mga kasong physical injury, unjust vexation at malicious mischief laban kay Interior.