Natiklo ang isang babae matapos mahuling nagbebenta ng mga pekeng Vaccination card sa Santiago City, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Joan Dariano, 31- anyos.
Ayon sa pulisya, mayroon umanong pekeng pirma ng mga lokal na opisyal ang card na ibinibenta ng P100 kada isa sa loob ng palengke.
Bagaman itinanggi ni Dariano ang paratang, nahaharap pa rin siya sa kasong paglabag sa Article 170 ng Revised Penal Code o Falsification of Public Document. —sa panulat ni Mara Valle