Natimbog sa Cavite ang isang babaeng modus umano na magbenta ng pekeng bahay at lupa.
Kinilala ang suspek na si Trinidad Dumpit, sisenta’y tres anyos na nasakote sa inilunsad na entrapment operation ng PNP-criminal investigation and detection group.
Ayon sa P.N.P.-C.I.D.G., nagpapanggap umano si Dumpit na konektado sa PAG-IBIG fund at nagbebenta ng mga bahay at lupa na hindi naman totoo.
Ini-aalok umano sa mga biktima, na kinabibilangan ng mga O.F.W. at government worker, ang mga foreclosed property sa mas murang halaga pero hindi naman totoo.
Aabot sa 10 million pesos ang tinangay ni trinidad sa unang grupo ng kanyang mga biktima.
Samantala, itinanggi naman ng PAG-IBIG fund na konektado sa kanila ang suspek.—sa panulat ni Drew Nacino