Inaresto ng mga otoridad sa Cavite ang isang babae matapos nitong magbenta ng mga sobreng mukhang P1K bills.
Isinagawa ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) ang operasyon sa General Mariano Alvarez, Cavite.
Nakuha sa suspek ang binili ng undercover agent na 150 piraso ng sobre, na mapagkakamalang nakatuping mga P1K na papel.
Ayon Kay Bank Officer II Armida Artango ng BSP, ipinagbabawal sa ilalim ng BSP circular, ang paggaya sa philippine currency notes, maliban kung may paalam sa BSP.
Ang paglabag sa naturang kautusan ay mahaharap sa pagkakakulong ng lima hanggang 10 taon.
Mariin namang itinatanggi ng suspek na siya ang gumagawa ng mga nasabing sobre, gayun pa man nasa kustodiya parin ng mga otoridad ang suspek habang patuloy nilang inaalam kung saan nanggagaling ang mga ito. —sa panulat ni Mara Valle