Kakaiba man at nakapagtataka ang living conditions ng babae sa kwentong ito, nakakaantig naman ang dahilan kung bakit mas pinili niya na manirahan sa isang banyo kaysa maghanap ng boarding house at magbayad ng mataas na renta.
Ang buong kwento ng babae, eto.
Kung ang iba ay labanan ang aesthetic at palakihan ng bahay, ang 19-anyos babae na ito mula sa Hunan, China, ginulat lang naman ang mga netizen matapos niyang ipakita online ang tinitirhan niya.
Ang babae kasi, hindi sa magarang dorm o borading house nakatira kundi sa isang banyo.
Dahil sa hirap ng buhay, pinili ng dalagita na manirahan na lang sa 6-square-foot na hindi ginagamit na banyo sa loob ng furniture factory na pinagtatrabahuhan niya.
Dahil talaga nga namang kakaiba ang living conditions ng babae, hindi naiwasan ng ilang netizen na hindi maniwala sa kaniya, ngunit pinatotohanan ito ng kaniyang boss at sinabi pa na hindi niya tinatanggap ang 50 yuan na ibinabayad sa kaniya ng babae para sa tubig at kuryente.
Ang mabait na boss, nag-offer pa na hanapan siya ng ibang matutuluyan ngunit mas pinili pa rin nito ang nasabing banyo.
Ang rason sa pagtitipid ng dalagita ay dahil gusto niya raw palang makatulong sa kaniyang pamilya pagdating sa gastusin. Sa katunayan ay tumigil ito sa pag-aaraal sa edad na 16 para magtrabaho.
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang post ng babae. Ang ilan ay humanga sa kasipagan nito, habang ang iba naman ay mas concerned sa kaniyang kalusugan.
Gayunpaman, ipinapaayos na raw ng kaniyang boss ang isa sa mga opisina na inaasahang lilipatan ng babae.
Ikaw, pipiliin mo rin bang tumira sa banyo para makapagtipid?