Hawak na ng mga otoridad sa Turkey ang isang babaeng nagtanim ng bomba sa Istanbul, dahilan para masawi ang 6 katao at pagkasugat ng higit 80 iba pa.
Ayon sa Turkey police, naaresto nila ang babae matapos suriin ang security cameras na nakapalibot sa lugar.
Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng babae na umamin na sa ginawa nito.
Maliban sa suspek, nasa 46 katao rin ang inaresto ng mga otoridad para imbestigahan sa nangyaring pagsabog sa Turkey.