Nawawala ang babaeng personal na umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil na ang quarrying operations sa Naga City, Cebu matapos ang landslides na ikinasawi na ng nasa 70 katao.
Hindi pa bumabalik sa evacuation center si Shiela Eballe, 36 taong gulang, residente ng Sitio Greyrocks Barangay Tinaan, simula nang makausap nito si Pangulong Duterte.
Ayon kay Emilio Librea, amain ni Eballe, huli niyang nakausap sa telepono si Shiela matapos itong mapanood sa telebisyon habang nananawagan sa Pangulo.
Gayunman, batay sa report mula sa isang independent Catholic News organization, nagpasaklolo umano si Eballe sa environmental group na Pusyon Kinaiyahan at isang religious organization matapos makatanggap ng pagbabanta makaraang manawagan kay Pangulong Duterte.