Isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) na nakitaan ng mga sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bayan ng Glan sa Sarangani ang tumakas.
Ayon sa Sarangani Provincial Health Office, umalis ng kanilang bayan ang nabanggit na OFW bago pa man ito isalang sa pagsusuri para sa COVID-19.
Anila, dumating nag Pilipinas ang nabanggit na OFW noong Pebrero 29 at dumiretso sa bayan ng Glan kasama ang sampung taong gulang na anak.
Sinabi ng Sarangani Provincial health office, posibleng bumiyahe na pabalik ng Japan ang naturang OFW habang inoobserbahan naman ang anak dito dahil sa sintomas ng COVID-19.
Agad na ring ipinagbigay alam ng health office ng lalawigan ang impormasyon ng OFW sa Bureau of Quarantine.