Nasa kamay na ng awtoridad ang 4 sa 7 suspek sa pagdukot at panununog sa isang online seller sa Nueva Ecija.
Tatlong pulis ang nasakote ng awtoridad at nahuli rin ang isang sibilyan na siyang care taker ng lugar kung saan dinala ang biktima ng panununog at pagdukot.
July 20 nang pabalik na sana ng Cavite ang biktima sakay ang kanyang kotse matapos makipagkita sa isang kliyente nang harangin sila ng isang pick-up sakay ang tatlong armadong lalaki. —sa panulat ni Rex Espiritu