Nasawi ang isang babae sa Lucena City, matapos paulanan ng bala ng riding-in-tandem habang naka sakay sa tricycle.
Ayon kay P/Lt. Col. Reynaldo Reyes, kasama ng biktima ang tatlo pang pasahero nang harangin sila sa isang intersection ng isang motorsiklong may sakay na dalawang armadong lalaki.
Wala namang nasaktan sa mga kasabay ng babae.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at motibo ng mga suspek sa pamamaril. —sa panulat ni Mara Valle