Isang babaeng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tumakas sa kaniyang confinement sa Davao City.
Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang pasyente ay tumakas sa pamamagitan nang pagtalon sa bintana nuong Linggo, Mayo 10.
Nabatid na humingi ng permiso ang pasyente na makauwi ng kaniyang bahay subalit tumakas nang hindi payagasn ng mga otoridad.
Nagtungo ang mga pulis sa bahay ng pasyente subalit wala ito duon kaya’t patuloy ang apela ni Mayor Sara na bumalik na ito sa quarantine facility.