Wala nang buhay nang maabutan ng kaniyang mga kabaro ang isang babaeng pulis sa loob ng palikuran ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group sa Kampo Crame.
Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Patrolwoman Mondaya Cañete, 29 anyos, may asawa at tubong Davao City.
Batay sa imbestigasyon, napansin ng mga kasama ni Cañete na sina P/Cpl. Arnold Alos at P/Cpl. Janice Morales na halos kalahating oras nang naka-lock ang naturang palikuran.
Pagsilip sa exhaust ay duon na tumambad ang nakabigting katawan ni Cañete sa shower gamit ang kulay kahel o orange na nylon cord.
Duon na niransak ng mga kasamang pulis ang pintuan ng palikuran at dali-daling ibinaba ang katawan ng biktimang pulis para itakbo sa PNP General Hospital subalit hindi na ito umabot pa ng buhay. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)