Isang babaeng pulis ang patay habang sugatan ang kapwa nito pulis matapos pagbabarilin sa Zamboanga City, kagabi.
Kinilala ang nasawing biktimang si Eva Lariaga na tinamaan ng bala sa leeg habang nasugatan sa kamay ang kasama nitong si SPO1 Freddie Teves.
Ayon kay Senior Insp. Ramon Bautista, hepe ng Zamboanga City Police- Station 8, sakay ang mga biktima ng kanilang kotse nang Paulanan ng bala ng hindi pa kilalang salarin.
Inaalam na kung may kaugnayan ang pamamaslang sa trabaho ng mga biktima at sino ang posibleng nasa likod nito.