Kinumpirma ni Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na isang babae ang umano’y suicide bomber na suspek sa pagsabog sa Indanan, Sulu.
Aniya, isasailalim sa DNA testing ang mga natagpuang bahagi ng katawan katulad ng paa at kamay.
Nagkaroon umano ng debate sa kasarian ng suicide bomber dahil mabalahibo ang kamay nito ngunit sa paa at tsinelas natukoy na ito nga ay isang babae.
Matatandaang isang manual fuse igniter ang natagpuan ng militar sa pinangyarihan ng insidente na pinaniniwalaang nanggaling sa naturang suicide bomber.