Kinasuhan ng NBI sa DOJ ng 14 na bilang ng inciting to rebellion ang isang babaeng umanoy recruiter ng mga dayuhang fighter para sumanib sa Maute group.
Kinilala mismo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang suspek na si Karen Aizha Hamidon, 36 na taong gulang at nadakip nuong October 11 sa kaniyang bahay sa Taguig City.
Ayon kay Aguirre bukod sa naturang kaso inihahanda na rin ng NBI ang isa pang reklamong rebelyon laban kay Hamidon kaugnay sa nakitang telegram post sa kaniyang celfon na nanghihikayat nang pag aaklas sa Marawi City.
Batay naman sa record ni Hamidon siya ay naging asawa ni Mohammad Jaafar Maguid alias Tokboy at alias Abu Sharifa na dating pinuno ng Ansar Khalifa Philippines na responsable sa pagpapasabog sa Davao City nuong September 2016 na kalaunay napatay din ng mga pulis nuong January 2017
Nagkaruon din umano ng ugnayan si Hamidon sa isang Singaporean national na kinilalang si Muhammad Shamin Mohammed Sidek na nakulong dahil sa pagiging konektado sa ISIS.
Bukod pa ito sa naging koneksyon ni Hamidon kay Musa Cerantonio na isang Australian Islamist preacher na nag recruit din ng mga dayuhan para umanib sa ISIS.