Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagkalat ng mga pekeng over the counter medicines.
Tinukoy ng FDA sa kanilang advisory ang mga pekeng bersyon ng mga gamot katulad ng dolfenal, tuseran forte, diatabs, alaxan fr at neozep forte.
Pinatitiyak din ng FDA sa mga law enforcement agency at lokal na pamahalaan na hindi makakapasok sa kanilang mga hurisdiksyon ang mga pekeng over the counter medicine.
Maaaring maharap sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009 at Special Law on Counterfeit Drugs ang mga nag-aangkat at nagbebenta ng pekeng gamot.
By Katrina Valle