Minaliit ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang babala ng Amnesty International hinggil sa Duterte presidency.
Ayon kay dating North Cotabato Governor Manny Piñol, hindi na bago ang babalang ito ng Amnesty International sa sinasabing mga paglabag ni Duterte sa karapatang pantao.
Hindi na aniya ito bago at binubuhay lamang dahil nangunguna na sa survey si Duterte.
Una nang sinabi ng London based Amnesty International na matagal na nilang binabantayan ang Human Rights records ni Duterte dahil sa mga alegasyon na siya ang nasa likod ng Davao Death Squad.
***
Una rito ay nagpahayag ng pangamba ang grupong Amnesty International sa tila pagbalewala ng publiko sa anito’y trigger happy solutions ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte laban sa krimen.
Kasunod na rin ito nang pag-amin ni Amnesty International Philippines Chair Ritz Lee Santos III ang matagal nang pag-monitor nila sa human rights violations ni Duterte kabilang ang tinaguriang Davao Death Squad.
Mahigpit ding kinontra ng grupo ang plano ni Duterte na pagbuhay sa death penalty partikular ang linggu-linggong pagsasagawa ng execution kapag nanalo itong pangulo ng bansa.
Binigyang diin ni Santos na hindi solusyon ang pagpatay sa mga kriminal sa kabila nang lumalalang kriminalidad sa bansa.
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Judith Larino