Nagbabala ang China na kanilang matapang na babanggain ang mga naghahamon ng gulo sa South China Sea.
Ito’y sa gitna ng kinakaharap na pressure ng Tsina matapos paboran ng United Nations International Arbitral Tribunal ang inihaing reklamo ng Pilipinas kaugnay sa territorial dispute sa Spratly Islands.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang, kung sinuman ang maghahamon ay tiyak na hindi ito aatrasan ng Tsina.
Nanindigan si Lu na matibay ang claim ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo at hindi kikilalanin ang naging pasya ng International Court.
By Drew Nacino