Nananatiling nakabantay ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang pambansang seguridad.
Ito ang kapwa tiniyak ng AFP at PNP kasunod ng inilabas na babala ng bansang Japan sa kanilang mamamayan na umiwas sa Pilipinas dahil sa panganib ng mga pag-atake ng suicide bombing.
Ayon kina PNP Chief P/Gen.Guillermo Eleazar at AFP Spokesman, Col. Ramon Zagala, bagama’t laging may banta ng terrorismo subalit wala silang namomonitor sa ngayon batay sa ulat ng kanilang intellegence units.
Sinabi ni Eleazar na mula nuon ay mahigpit ang ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng information sharing tungkol sa iba’t ibang terror group.
Sa panig naman ni Zagala, sinabi nitong bina-validate nila ang lahat ng mga nakukuhang impormasyon, maliit man o malaki, patunay na sineseryoso nila ang anumang banta. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9), sa panulat ni Hyacinth Ludivico