Ikinatuwa ng Department of Justice ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Money Laundering Council o AMLC
Ito’y makaraang balaan ng Pangulo ang AMLC na pahihirapan nito sakaling tumangging makipagtulungan sa DOJ at pahirapan ito sa pagkuha ng mga dokumento
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kumpiyansa siyang malaki ang maitututlong ng naging pahayag ng Pangulo para mapabilis ang ugnayan ng NBI at AMLC hinggil sa mga kasong kanilang ikinakasa laban sa ilang personalidad
Kabilang na rito ayon kay Aguirre ay ang mga dokumentong may kinalaman sa milyun-milyong Pisong tinanggap umano ni Senadora Leila de Lima at mga kasabwat nito sa illegal drugs trade sa loob ng New Bilibid Prisons
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco / Bert Mozo